Advanced Media Broadcasting System Inc. ni dating Senador Manny Villar, nakuha ang broadcast frequencies ng ABS-CBN

Nakuha ng kumpanyang Advanced Media Broadcasting System Inc. (AMBS) ni dating senate President Manny Villar ang broadcast frequencies na dating ginagamit ng ABS-CBN Corporation.

Ito ay matapos na bigyan ng National Telecommunications Commission (NTC) ng temporary permit ang AMBS para magsagawa ng test broadcast sa channel 2 sa analog TV.

Habang binigyan din ng NTC ng provisional authority ang AMBS para mag-install at mag-operate ng digital television broadcasting system sa Metro Manila gamit ang channel 16.


Ayon naman sa Department of Justice, maaari talagang ibigay ang digital TV service sa ibang kumpanya dahil sa iba’t ibang pangyayari kagaya ng pagsasara ng ABS-CBN noong 2020 matapos na mapaso ang kanilang prangkisa na hindi ni-renew ng kongreso.

Facebook Comments