Plano ng Department of Transportation (DOTr) na maagang ipamigay ang incentives ng mga konduktor at driver na umalma dahil sa programang “Libreng Sakay” para sa mga Authorized Persons Outside Residence (APOR) ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ngayon nasa Modified Enhanced Community Quarantine (MECQ) ang NCR Plus Bubble.
Ayon kay DOTr Secretary Arthur Tugade, na-delay lamang ang pamamahagi ng incentives dahil sa pag-aayos ng mga dokumento ngunit pinag-aaralan na ng departamento ang protocol para maibigay na ang advance payment sa mga konduktor at driver.
Matatandaan na ibinalitang nanlimos ang ilang konduktor sa mga bus matapos mawalan ng trabaho ng halos isang buwan dahil sa MECQ.
Nabatid na ang Service Contracting Program ay proyekto ng gobyerno para sa mga bus driver na nawalan ng hanapbuhay ngayong pandemya.