Naglagay ng advanced surveillance technology ang Armed Forces of the Philippines (AFP) sa kanilang mga kampo sa bansa.
Ayon sa AFP, pinalawak nila ang camera coverage upang mapalakas ang perimeter security at mabantayan ang mga sensitibong lugar sa kanilang mga kampo.
Inaasahang sa bagong teknolohiyang ito ay magiging mas mabilis ang pagtugon sa anumang banta o insidente.
Una rito, pinaigting ng AFP ang kanilang control measures sa mga entry points sa iba’t ibang critical areas ng kanilang military installations.
Ang hakbang ay ginawa ng AFP upang limitahan ang pagpasok ng mga authorize personnel lamang nila upang mapangalaan ang mga classified information at masiguro ang proteksyon ng lahat ng kanilang military assets.
Facebook Comments