Advantages and Disadvantages ng Paggamit ng Credit Card

Mahilig ka bang mamili online? Mag-shopping na walang dalang cash? Or madalas gumamit ng ATM Card?

Isa ang credit card sa most used mode of payment sa ngayon, ngunit alam mo na ba ang maaring maidulot nito sa iyo? Heto ang ilan sa mga Advantages at Disadvantages ng paggamit ng Credit Card.

Advantages ng Paggamit ng Credit Card


  1. Covenience. Hindi mo na kailangang mamroblema sa paghawak ng cash sa tuwing mamimili ka sa mga pamilihan o shopping centres. Pero mas magandang alalahanin ang wastong paggamit nito upang hindi mabaon sa utang o debt.
  2. Interest-Free days. Kung mabayaran ang balance mo bago ang iyong statement period, pwede kang mabigyan ng kahit anong reward na walang interes o nasa mababang interest sa mga sususnod mong set period.
  3. Works in any Currency. Maaring gumamit ng credit card para makabili ng gamit o produkto mula sa ibang bansa katapat ng kanilang money value. Ngunit may mga karagdagang bayad na maia-apply. Kadalasang ginagamit ito sa mga online stores.
  4. Emergency Reliable.  Ang pagkakaroon ng credit card ay isang mabisang financial safeguard. Makakatulong ito sa mga hindi inaasahang gastos na hindi kasama sa iyong budget.
  5. Purchase Protection. Maaari kang tulungan ng iyong credit card sa pagbalik ng mga defect o hindi magandang produkto mula sa pinagbilhang online store.

 

Disadvantages ng Paggamit ng Credit Card

  1. Mataas na Interest. Kung mayroong naiiwang balance sa bawat buwan, may mga interest charges na naidagdag sa iyong babayaran. Maaaring lumaki ang interest kung hindi mababayaran ang balance kada buwan.
  2. Credit Damage. Kung hindi mabayaran ang existing loan at may mga ongoing debts sa recod maaaring hindi ka na mabigyan ng pagkakataon na magloan muli.
  3. Dahil sa mabilisang pagbabayad gamit ang credit card maaring magresulta ito ng overspending.
  4. Monthly Scrutiny. Ugaliing tingnan ang record ng iyong credit card kung tama ba ang nairerecord sa mga produktong iyong pino-purchase. Credit card ang pangunahing target ng mga scammers.
  5. Tricky Short-Term Teaser Rates. May mga interest rates na mababa kung titingnan ngunit ito ay pansamantala lamang, siguraduhing nabasa ang fine print. Maaari kang makapagbayad ng mas mataas pa sa expected interest rates.

Tandaan, lahat ng sobra ay nakasasama. Kaya’t maging matalino sa paggamit ng credit card, debit card at iba pa. Para maiwasan ang pagkakaroon ng malaking utang at makapag-ipon para sa iyong future plans.

 


Article written by Marvea Carolene Quisay

Facebook Comments