Kinumpirma ni vaccine expert Dr. Rontgene Solante na nananatiling maliit ang mga naitalang adverse reactions sa nagpapatuloy na COVID-19 vaccination program.
Ito ay kung ikukumpara aniya sa benepisyong nakukuha para mahadlangan ang seryosong epekto ng COVID-19.
Partikular ang mga may comorbidity at mga nakatatanda.
Kaugnay nito, nilinaw ni Dr. Solante na base sa itinakda ng NITAG o National Immunization Technical Advisory Group, dalawang linggo lamang ang palugit para tumanggap ng bakuna ang isang gumaling sa COVID-19.
Gagawa rin aniya sila ng rekomendasyon para palitan ang protocol na nagsasabing 90 araw ang kailangan ng isang gumaling sa COVID bago siya bakunahan.
Facebook Comments