Advocacy run para sa mga naturukan dengvaxia, isinagawa sa Quezon City

Quezon City – Idinaan sa takbo ng ilang mga bata na naturukan ng Dengvaxia ang kanilang panawagan sa hustisya sa Quezon City.

Pasado Alas-7:00 ng umaga nang nagtipon-tipon ang nasa 200 mga kabataan sa Quezon City Memorial Circle na nagsagawa ng advocacy run.

Karamihan sa nakibahagi ay nangaling Quezon City, Marikina at San Juan.


Ayon kay Eule Bonganay, Secretary General ng Salinhali, target ng naturang aktibad na papanagutin si dating Pangulong Noynoy Aquino dahil sa pagpapahintulot nito ng pagbabakuna sa mga bata.

Nababagalan din ang grupo sa takbo ng imbestigasyon ng House Committee on Good Government and Accountability sa isyu ng Dengvaxia.

Nangangamba ang mga ito na sa bandang huli ay wala ring mapanagot sa pagpapatupad ng mass immunization.

Kaugnay nito, nanawagan din ang grupo ng full refund sa Pharmaceutical company na Sanofi Pasteur sa ibinayad dito ng pamahalaan.

Facebook Comments