Spain – Isang pasyalan sa Spain ang kilala ngayon sa tawag na “nature’s brain.”
Hawig na hawig kasi ito sa utak ng tao kapag tinitingnan mula sa himpapawid.
Ang Bahia De Cadiz Natural Park sa San Fernando, Spain ay may lawak na 105 square kilometers na binubuo ng Wetlands, Beaches, Pine Forest at Reed Beds.
Kwento ng wildlife photographer na si Cristobal Serano, sakay siya noon ng eroplano nang mapansin hawig sa human brain ang parke kaya agad niya itong kinuhanan ng larawan.
Lalo pang naging sikat ang parke nang i-post niya ang aerial photo nito online.
Facebook Comments