AFC | Ceres Negros FC, ginulat ang Brisbane Roar sa Australia

AFC Champions League – Pinatahimik ng Ceres Negros FC ang Brisbane Roar, 3-2 sa Queensland Sports and Athletic Stadium para manatiling buhay ang pagnanais ng koponan na maging kauna-unahang Pinoy ballclub na makapasok sa tournament proper ng Asian Football Confederation (AFC) Champions League.

Umiskor ng brace si Bienvenido Marañon habang isinalpak naman ni Omid Nazari ang winning goal para umusad sa third round ng qualifiers ang mga taga-Bacolod.

Lilipad patungong China ang Ceres Negros para harapin naman ang bigating Tianjin Quanjian para sa pwesto sa AFC Champions League.


Facebook Comments