AFF Suzuki Cup | Philippine Azkals nasa Group of Death sa 2018

28

Manila, Philippines – Hindi magiging madali para sa Philippine Azkals na makabawi sa 2018 Asean Football Federation (AFF) Suzuki Cup sa darating na Nobyembre.

Napasama kasi sa tinaguriang group of death ang Azkals sa katatapos na draw na ginanap sa Jakarta, Indonesia.

Nasa Group B ang Azkals kasama ang defending champion Thailand, Singapore, Indonesia at ang mananalo sa laban ng Brunei at Timor Leste.

Halos ganito rin kasi ang draw noong 2016 Suzuki Cup kung saan hindi nakausad sa semis ang Azkals kahit dito pa sa Pilipinas ginanap ang torneo.

Pero ayon kay Dan Palami, team manager ng Azkals, kahit mahirap ang naging draw para sa Azkals magandang preparasyon ito ng koponan sa kanilang paghahanda sa Asian Cup na gaganapin sa UAE sa susunod na taon.

Facebook Comments