Isinusulong ngayon sa Sangguniang Bayan ng Mangaldan ang panukalang ordinansa na magkaroon ng Affairs Office para sa mga Persons with Disabilities sa kanilang lokal na pamahalaan.
Tinalakay sa pagpupulong ang ilang problema na kinakaharap ng mga PWD sa naturang bayan gaya ng pag-issue ng PWD Card kung saan madalas umanong nalilito ang mga tao kung saang opisina ba sila dapat magbigay nito.
Ayon naman sa pamunuan ng MWSD ng bayan na sa kanilang opisina umano makakakuha ng form at nagbibigay ng ID ngunit kailangan pang dumaan sa assessment ng MHO nang sa gayon ay malaman kung anong uri ba ng disability mayroon ang nais mag-apply ng card.
Nagbigay din ng suhestiyon ang MSWD para sa ilan pang paglilinaw at nang masama rin sa pagpapanukala ng ordinansa.
Sa ngayon, nagpapatuloy ang pagdinig sa nasabing ordinansa at isasalang na rin ito sa Public Hearing sa susunod na linggo. |ifmnews
Facebook Comments