Affordable na Lechon Cebu, alok ng Mr. Boneless Lechon House

Bagama’t nagkaroon ng pagtaas ng presyo sa mga produktong karne, marami sa atin ang hindi mapigilang kumain ng masarap na lechong baboy.

Kaya naman tampok sa Business as Usual ng Usapang Trabaho sa Radyo Trabaho ang classic na Lechon Cebu ng Mr. Boneless Lechon House.

Ayon sa owner nito na si Myka Sarceno, nagsimula sila noon sa Cebu hanggang dinala na ito sa Metro Manila kung saan dito na itinayo ang Mr. Boneless Lechon House buhat na rin sa ideya ng kanyang ama.


Sa ngayon, kadalasang customers nila ang mga nagce-celebrate ng mga kaarawan lalo na’t maaari rin na kada kilo ng pork lechon belly ang bilhin sa Mr. Boneless Lechon House.

Facebook Comments