Tinututukan ngayon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang posibleng retalliatory attack ng bansang Iran matapos mapatay sa inutos na operasyon ni US President Donald Trumph ang kanilang top Iranian General na si Qassem Soleimani.
Ayon kay AFP Chief of Staff Lt. General Felimon Santos minomonitor nila ang mga bansang magiging target ng Iran sa kanilang pag-ganti.
Nakaalerto aniya ang AFP sa anumang mga magiging aksyon ng Iran at nagsasawa na rin ng intellgence gathering.
Sinabi pa ni Santos una nilang ginawa nang mangyari ang gulo sa Iran ay imonitor ang galaw ng mga grupong affiliated ng ISIS sa bansa dahil maaring makisimpatya ang mga ito.
Pero sa ngayon walang namomonitor ang AFP na anumang security threat sa bansa dahil sa gulo ng Iran at Amerika.