Aminado si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Gilbert Gapay na dumami ang bilang ng mga Chinese vessels sa West Philippine Sea (WPS) sa gitna ng pandemyang kinakaharap ng bansa.
Ayon kay Gapay, kung nung una ay kulang ang kakayahan ng Pilipinas na i-monitor ang mga barkong lumilibot sa WPS, ngayon ay umunlad na ang monitoring capability ng bansa.
Kabilang sa mga namataang barko na pagmamay-ari ng China ay ang maritime exploration at research vessel nito, warships maging ang Coast Guard ng Chinese forces at People’s Liberation Army.
Tiniyak naman ni Gapay na maghahain ang gobyerno ng diplomatic protests laban sa intrusive action ng China.
Facebook Comments