AFP, aminadong nakalabas na ng Marawi City ang iba pang miyembro ng Maute Group

Marawi City – Aminado ang Armed Forces of the Philippines na posibleng nakalabas na ng Marawi City ang iba pang miyembro ng Maute Group.

Dahil dito, ayon kay AFP Spokesman Brig/Gen. Restituto Padilla, mas mahigpit na seguridad ang kanilang ipinatutupad sa mga checkpoint gayundin sa profiling ng mga evacuees sa Iligan City at Cagayan De Oro.

Kasabay nito, kinumpirma ni Padilla na aminado na marami pa ring residente ang naiipit sa bakbakan.


Aniya, ang pagsagip sa mga ito ang isa sa mga tinututukan ng kanilang operasyon

Dumepensa naman si Padilla kung bakit hinarang at hindi pagpapapsok ng militar sa Marawi City kay dating Bayan Muna Rep. Teddy Casiño na mamahagi sana ng relief goods.

Aniya, walang koordinasyon sa Local Government Unit (LGU) ang relief operation ng kampo ni Casiño.

Paalala naman ni Padilla sa mga nais magbigay ng relief good sa mga evacuees na makipag-ugnayan na lang muna sa mga LGU.

Facebook Comments