AFP at human rights group, lumagda sa isang kasunduan

Lumagda sa isang kasunduan ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at human rights group Sulong Peace Incorporated (SPI) para isulong ang adbokasiya sa karapatang pantao at International Humanitarian Law (IHL).

Ang kasunduan ay nilagdaan ngayong araw sa AFP General Headquarters sa Camp Aguinaldo.

Sumaksi sa signing ceremony si Ambassador Bjorn Jahnsen ng Royal Norwegian Embassy, mga kinatawan ng Spanish Development Cooperation ng Spanish Embassy, Commission on Human Rights, at mga opisyal ng Department of Social Welfare and Development.


Batay sa kasunduan, magtutulungan ang AFP at SPI sa pagpapalawak ng kaalaman sa Human Rights at IHL sa loob at labas ng AFP, at magpapalitan ng impormasyon tungkol sa mga paglabag para sa maaksyunan.

Tiniyak naman ni AFP Chief of Staff General Andres Centino ang commitment ng AFP sa pagtataguyod ng karapatang pantao at IHL sa pangangalaga sa national security.

Facebook Comments