AFP at Indian Armed Forces, nagsagawa ng 2nd Bilateral Maritime Exercise sa West Philippine Sea

Nagsagawa ng 2nd Bilateral Maritime Cooperative Activity (MCA) ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Indian Armed Forces sa West Philippine Sea noong Miyerkules.

Layon ng aktibidad na palalimin ang defense cooperation, palakasin ang interoperability, at isulong ang pagsunod sa international law at rules na nakabatay sa Indo-Pacific order.

Sa naturang pagsasanay, nag-deploy ang AFP ng mga naval at air asset nito gaya ng BRP Jose Rizal (FF150), Philippine Air Force (PAF) FA-50s, at isang W-3A Sokol Search and Rescue helicopter.

Samantala, nagpakita naman ng kakayahan ang Indian Navy sa pamamagitan ng partisipasyon ng kanilang INS Sahyadri, isang modernong guided-missile frigate na may onboard helicopter.

Tiniyak ng dalawang bansa na mananatiling mahalagang plataporma ang pagsasanay upang higit pang mapalakas ang regional defense posture at ang kapasidad na rumesponde sa anumang insidente sa karagatan, lalo na habang patuloy na nagbabago ang mga hamon sa maritime security.

Facebook Comments