Tiniyak ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang mas maraming aktibidad kasama ang military allies nito ngayong taon sa West Philippine Sea.
Ayon kay Defense Secretary Gilberto Teodoro layon nitong mas paghusayin pa ang defense partnerships at interoperability ng Pilipinas sa mga kaalyado nitong bansa.
Ani Teodoro, sa ngayon may ilang allied countries na ang nagpahayag ng kanilang interes na palakasin ang military partnership sa Pilipinas kabilang na ang United Kingdom at Canada.
Maliban sa UK at Canada, sinabi ni Teodoro na may ilang bansa pa ang nagpahayag ng kanilang interes na palakasin ang mutual defense cooperation tulad ng Japan.
Paliwanag pa nito, ang mga ginagawang hakbang ng Pilipinas ay naaayon sa United Nations Convention on the Law of Sea at desisyon ng UN Tribunal na pilit na pinapawalang bisa ng China.