AFP at PNP, mananatiling inspirasyon si dating DENR Sec. Gina Lopez sa pangangalaga ng kalikasan at pagprotekta sa mga kabataan

119

Nagpaabot ng pakikiramay ang Armed Forces of the Philippines sa Pamilya Lopez dahil sa pagpanaw ni Dating DENR Secretary Gina Lopez.

Sa statement ni AFP Chief of Staff General Benjamin Madrigal, sinabi nitong matagal ding naging partner ng AFP ang nasawing dating kalihim para sa pagpupursige nito ng kanyang mga adbokasiya at charity works.


Kaya naman nagbibigay pugay ang buong hanay ng sandatahang lakas sa mga nagawa ni Sec Gina Lopez.

Dagdag pa ni Madrigal na kahit pumanaw si Secretary Lopez, mananatiling inspirasyon ito sa hanay ng AFP para sa pangangalaga ng kalikasan at pagprotekta sa mga kabataan.

Samantala, nagpaabot din ng pakikiramay ang hanay ng Philippine National Police sa pamilya ni dating DENR Secretary  Lopez.

Sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Bernard Banac, mananatili sa puso ng mga pulis at magiging inspirasyon din ang mga nagawa nito para sa bayan.

Ang mga adbokasiya aniya ng dating kalihim ay makakatulong sa pagtupad sa kanilang sinumpaang tungkulin na pagiging  makaDiyos, makabayan, makatao, at makakalikasan.

Facebook Comments

From Advertisers