AFP at PNP, nagsagawa ng sariling bersyon ng community pantry sa Samar

May ginawang sariling bersyon ng Community Pantry ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa Catbalogan, Samar na binansagang “Darangpanan”.

Ang Darangpangan na itinayo ng mga sundalo ng 8th Infantry Division at mga pulis ng Samar Police Provincial Office sa labas ng Army headquarters sa Catbalogan Samar ay namigay ng mga food packs sa mga pamilya sa lugar na apektado ng pandemya.

Naglalaman ang bawat food pack ng bigas, canned goods, noodles, itlog, asukal, kape, prutas, at gulay.


Ayon kay 8th Infantry Division Chief of Staff, Colonel Perfecto P. Peneredondo ang aktibidad ay bahagi ng “Kapwa ko, Sagip ko” kung saan nag bayanihan ang mga sundalo, pulis at mga nagmagandang-loob na Samareño para mamigay ng tulong.

Umaasa naman si Col. Peneredondo na mapapanatili nila ang proyekto lalo’t marami ang nagpahayag ng intensyong tumulong sa proyekto.

Facebook Comments