AFP at PNP, nakikiisa sa selebrasyon ng pagtatapos ng Ramadan

Nagpahayag ng pakikiisa ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) sa mga kapatid na Muslim sa bansa at sa buong daigdig sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr o ang pagtatapos ng Ramadan.

Sa isang pahayag, sinabi ng AFP Public Affairs Office Chief Captain Jonathan Zata, alam nila ang mga hamon na kinaharap ng Muslim community ngayong may pandemya.

Kaya naman umaasa sila na ngayong isinagawa ang buwan ng Ramadan ay mas napatatag at napalakas ang pananampalataya ng mga Muslim.


Siniguro naman ng AFP na magpapatuloy ang kanilang suporta sa mga Muslim at tutulong sa kanilang mga hamon.

Samantala, sa panig naman ng PNP, sinabi ni PNP Chief General Guillermo Eleazar na nakikiisa ang 221,000 police force sa mga kapatid na Muslim sa pagdiriwang ng Eid’l Fitr.

Aniya, ngayong ipinagdiriwang ang pagtatapos ng Ramadan, hinihikayat niya ang mga kapatid na Muslim na ibahagi rin ang peaceful, harmonious at progressive community para mas maging kaaya-aya ang bansa para mamuhay.

Dasal din ni Eleazar na sana lahat Filipino ay magkaisa para sa kapayapaan, equality at pagiging progresibo.

Facebook Comments