
Pinatunayan ng mga miyembro ng Philippine Scout Ranger Regiment ang kanilang kahandaan matapos magsagawa ng cold load infiltration operation kasama ang mga sundalo ng U.S. Army mula sa 25th Combat Aviation Brigade, 25th Infantry Division.
Isinagawa ang pagsasanay sa Fort Magsaysay bilang bahagi ng Salaknib 2025.
Layon nitong palakasin ang ugnayan ng Pilipinas at Estados Unidos, patatagin ang kahandaan sa labanan, at paghusayin ang taktikal na kasanayan sa pamamagitan ng mga makatotohanang operasyong pinagsanib.
Ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP), patuloy na pinagtitibay ng Salaknib 2025 ang matatag na alyansa ng AFP at U.S. Military.
Facebook Comments









