AFP, binati ng Estados Unidos dahil sa matagumpay na operasyon nito laban sa mga terorista sa Mindanao

Manila, Philippines – Nagpaabot ng pagbati ang Estados Unidos sa matagumpay na operasyon ng Armed Forces of the Philippines sa Marawi City laban sa top terrorists na sina Isinilon Hapilon at Omar Maute.

Sabi ni us Embassy Spokesman Molly Koscina, suportado ng Amerika ang counterterrorism efforts ng AFP sa Mindanao sa pamamagitan ng intelligence, surveillance at reconnaissance capabilities at iba pang technical assistance.

Muli namang tiniyak ng Amerika na patuloy silang makikipagtulungan at ugnayan sa pilipinas para labanan ang terorismo.


Facebook Comments