AFP, binatikos ang muling pagpapakalat ng maling impormasyon ni Cavite Representative Barzaga

Binatikos ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang muling pagpapakalat ng maling impormasyon ni Cavite 4th District Rep. Francisco “Kiko” Barzaga.

Matapos itong mag-post ng isang video at pahayag sa kanyang social media account patungkol sa aniya’y personal allowance increase ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. mula umano sa “ghost projects” na nagkakahalaga ng ₱15-bilyon.

Ayon sa AFP, ang maling pahayag na ito ni Barzaga ay hindi na bago sa kanila at sinasadya umano nito na muling palutangin ang ilang isyu para maghasik ng pagkalito sa publiko sa gitna ng umiinit na mga isyu sa pulitika.

Dagdag pa ng ahensya, ang tinutukoy ni Barzaga na pondo ay para sa Tatag ng Imprastraktura para sa Kapayapaan at Seguridad (TIKAS) program na pinondohan at ipinatupad ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Kung saan ang lahat ng pondo ay inirerelease sa DPWH at ang AFP ay recipient at end-user lamang.

Sa kabila nito, tiniyak ng Hukbong Sandatahan na mananatili silang propesyunal, disiplinado, at walang kinikilingan.

Hinimok din ng ahensya ang publiko na maging vigilante laban sa nagtatangkang magdulot ng pagkalito.

Facebook Comments