
Binigyan ng parangal ng Armed Forces of the Philippines (AFP) si Captain Jerome Jacuba, ang sundalong nabulag matapos itong masabugan sa isinagawang operasyon noon sa Datu Salibo, Maguindanao.
Pinangunahan ni AFP Chief of Staff General Romeo Brawner Jr. ang pagbisita sa nasabing sundalo kahapon.
Sa kanyang pagbisita sa Kapitan, ay ginawaran ito ng Kalasag Plaque para sa natatangi nitong serbisyo.
Bukod dito ay nagbigay rin ng grocery package ang AFP bilang pagpapahayag ng suporta at pagpapahalaga sa nasabing Kapitan.
Sa gabay ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., si Captain Jacuba ay inaasahang ma-promote sa ranggong Major at at ma-assign sa panibagong trabaho.
Patuloy naman na nakikipag-ugnayan ang AFP sa Department of National Defense para sa isasagawang komprehensibong pagre-review sa Conflict Disability Discharge policy para masiguro na walang disabled personnel ang naiiwan lalo na kung nakuha nila ito habang ginagawa ang kanilang tungkulin.









