
Binigyang diin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi nito isusuko ang Kalayaan Island Group.
Ito ay matapos ang naging mungkahi ni Sen. Rodante Marcoleta na isuko na ito dahil sa kawalan umano ng coordinates at labas na ito sa Exclusive Economic Zone (EEZ) ng bansa.
Ayon kay Philippine Navy Spokesperson for West Philippine Sea, Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, ang konstitusyunal na mandato ng AFP ay protektahan ang pambansang soberanya at integridad ng teritoryo ng Pilipinas.
Kung saan binigyang diin ni Trinidad na kasama sa teritorya ng Republika ng Pilipinas ang at hagip ng mandato ng sandatahang lakas ang Kalayaan Group of Island at anumang parte na saklaw ng bansa.
Facebook Comments










