
Welcome sa Philippine Army ang panukalang muling buhayin ang National Development Support Command (NADESCOM) para tumulong sa pagpapatupad ng mga naantalang flood control projects.
Kasunod ito ng mungkahi ni Sen. Robinhood Padilla na ipatake-over na lamang sa militar ang mga proyektong balot ngayon ng anomalya.
Ayon kay Philippine Army Commanding General Lt. Gen. Antonio Nafarrete, ipinagpapasalamat nila ang pagtitiwala sa kanila para hawakan ang mga proyekto.
Aminado naman si Nafarrete na magagaling ang kanilang mga sundalo ngunit hindi ito sapat para tugunan ang pangangailangan sa konstruksyon ng malalaking proyekto.
Samantala, iginiit naman ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Col. Francel Margareth Padilla na mas mainam na ipaubaya na lamang sa mga kaukulang ahensya ang pagpapatupad ng flood control projects upang hindi makaapekto sa regular na operasyon ng militar.









