Manila, Philippines – Bumuo na ng Board of Inquiry ang Armed Forces of the Philippines para imbestigahan ang nangyring insidente sa Marawi City kung saan “pumalpak” ang air strike ng militar.
Sa isang press conference, sinabi ni AFP Spokesperson Brigadier General Restituto Padilla na matapos ang insidente kung saan 11 ang namatay at 7 ang nasugatan sa panig ng militar.
Agad ipinag-utos ni AFP Chief Eduardo Año, na imbestigahan ang pangyayari.
Kabilang sa aalamin ng binuong grupo ang human factor kung saan posibleng nagkamalo ang piloto sa pagmamaneho ng aircraft at failure of equipment sa panig ng militar.
Giit ni Padilla, aminado sila na may pagkakamali sa nangyari kung kayat importante na matukoy nila ang ugat ng nangyari.
Kaugnay nito, nagpahatid naman ang AFP ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi sa nasabing opensiba.
DZXL558