AFP Chief Cirilito Sobejana natanggap na ang pang 4 na strella

72

Natanggap na ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Cirilito Sobejana ang kanyang pang 4 na Estrella at isinagawa ang donning of Rank Ceremony sa Department of National Defense (DND) Building sa Camp Aguinaldo Kahapon.

Pinangunahan ni Defense Undersecretary Cesar Yano ang seremonya kapalit ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na kasalukuyan paring naka-quarantine.


Ang promosyon ni Gen. Sobejana bilang 4-star General ay nilagdaan ng Pangulong Duterte nitong April 8 makaraang makumpirma na ng Commission on Appointments noong Marso 24.

Sa isang statement sinabi ni Sobejana na sa kabila na “achievements” ang ranggo ng isang opisyal, ay hindi dapat ipinapangalandakan ang posisyon at mas nararapat na maging mapagkumbaba at maging masigasig at maingat sa pagganap ng kanilang tungkulin.

Samantala, tatlong Koronel naman ang tumanggap ng kanilang unang estrella kahapon din sa AFP General Headquarters.

Ito ay sina Colonel Joel Alejandro Nacnac, AFP Human Rights Office Chief, Colonel Edgardo Palma, Office of the Special Studies and Strategy Management Chief at Colonel Erick Escarcha, AFP Command Center Chief, na ngayon ay mga Brigadier General na.



Facebook Comments