Lusot na sa Commission on Appointments o CA ang ad interim appointments nina Armed Forces of the Philippines Chief General Noel Clement at Philippine Navy Vice Admiral Allan Cusi.
Si Clement ay itinalagang pinuno ng AFP nitong Setyembre at magreretiro sa January 2020.
Sa pagsalang sa CA confirmation hearing ay binigyang diin ni Clement na wala ng pangangailangan para mapalawig pa ang martial law sa Mindanao na magtatapos sa December 31.
Ikinatwiran ni Clement naging mas maayos na ang sitwasyon sa Mindanao sa loob panahong nasa ilalim ito ng batas militar simula noon May 2017.
Pero ayon kay Clement, posible na may ilang lugar sa mindanao ang irekomenda nilang mapasailalim pa rin ng martial law.
Samantala, si Cusi naman ay inatasang mamuno sa Philippine Military Academy nitong Setyembre din makaraang magbitiw ang mga opisyal nito dahil sa pagkamatay sa hazing ni Cadet Fourth Class Darwin Dormitorio.
Sa confirmation hearing ay inihayag naman cusi na na-rule out na ng Baguio City Police ang foul play sa pagkalunod sa PMA swimming pool ni Cadet 4th class Mario Telan Jr.