AFP Chief General Cirilito Sobejana, itinangging kasama siya sa mga retired at active military officers na bumawi ng suporta kay Pangulong Duterte

Pinabulaanan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff General Cirilito Sobejana na hindi siya kabilang sa isang Viber group ng mga retired at active military officers na binawi na ang suporta kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ito ay kaugnay sa isyu sa West Philippine Sea (WPS) kung saan marami pa rin ang presensya ng mga Chinese vessels.

Ayon kay Sobejana, hindi totoo ang mga kumakalat na impormasyon sa online na kasama siya sa 300 senior military leaders na umano’y sumalungat na sa Pangulo.


Giit ni Sobejana nananatili ang tiwala ng AFP sa pamamahala ng gobyerno sa isyu sa pagprotekta sa disputed area at sovereign rights ng bansa.

Sinabi Sobejana sinisira lang ng pekeng impormasyon ang effort sa pagprotekta sa bansa para mahikayat ang mga Pilipino na umaklas na laban sa gobyerno.

Kaya naman pinakakalma ni Sobejana ang publiko kaugnay sa fake news dahil ito aniya ay propaganda lamang.

Tiniyak ni Sobejana nanatiling tapat ang buong hanay ng AFP sa konstitusyon.

Facebook Comments