AFP Chief General Felimon Santos Jr., naka-self quarantine na rin matapos magpositibo sa COVID-19 ang isang Senior Military Officer

Naka home quarantine na rin ngayon si General Felimon Santos Jr, ang Chief of staff ng Armed Forces of the Philippines matapos na makasalamuha ang isang Senior Military Officer na nagpositibo sa COVID-19.

Ayon kay Santos working from quarters ngayon ang kanyang ginagawa para patuloy pa rin magampanan ang kanyang trabaho sa harap ng ipinatutupad na Enhanced Community Quarantine sa buong Luzon dahil sa banta ng COVID-19.

Simula nang magkaroon ng positibo ng COVID-19 sa bansa ay protocol na nila ang social distancing sa kanilang mga aktibidad partikular sa mga conference.


Pero para pa rin makasiguro ay sasailalim sya sa self quarantine bilang precautionary measure.

Nang tanungin naman kung ano ang kanyang nararamdaman ngayon, pabiro nitong sinabi na “Pag-ibig lang”.

Facebook Comments