AFP Chief, kumpiyansa na matatapos ang problema sa NPA at Abu Sayyaf sa pagtatapos ng Duterte Administration

Tiwala si AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay na matatapos ng AFP ang problema sa NPA, Abu Sayaff at iba pang local terrorist groups bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Duterte sa 2022.

Ginawa ni Gapay ang pahayag sa pagdiriwang ng ika-85 anibersaryo ng AFP kahapon sa Camp Aguinaldo.

Ayon sa AFP Chief, dahil sa sunod-sunod na tagumpay ng AFP laban sa mga grupong ito, nagkaroon na ng “leadership vacuum” ang mga teroristang grupo sa bansa sanhi ng pagkaka-neutralize ng kanilang mga high-value members at leaders.


“Significantly degraded” na rin aniya ang hanay at armadong kakayahan ng mga grupong ito, dahil sa pagkawala ng kanilang “mass base.”

Itinuturing din ni Gapay na “major accomplishment” ang tagumpay ng AFP laban sa mga local terrorist groups, sa kabila nang COVID-19 pandemic.

Ibinida rin ni Gapay ang mga bagong kagamitan ng AFP na nabili sa panahon ng Pangulong Duterte bilang isa sa mga dahilan ng pag-angat ng kapabilidad ng militar na tugisin ang mga terrorista at pangalagaan ang seguridad ng bansa.

Facebook Comments