AFP Chief Madrigal, pinangunahan ang security briefing para sa plebesito sa Marawi City sa Camp Ranao

Marawi – Nagpapatuloy ngayon ang security briefing ng Armed Forces of the Philippines At Philippine National Police sa Camp Ranao, Marawi City bilang paghahanda para sa gaganaping plebesito para sa ratipikasyon ng Bangsamoro Organic Law o BOL.

Pinangungunahan ni AFP Chief of Staff Gen. Benjamin Madrigal ang security briefing na dinadaluhan rin ni Marawi Chief of Police Supt. Jamal Adiong.

Pinag-uusapan ngayon ang mga inilatag na seguridad ng militar at pulisya para sa gaganaping plebesito sa Lunes sa Lungsod ng Marawi at paghahanda rin para sa gaganaping midterm election.


Ito ang kauna-unahang pagkakataon na binisita Gen. Madrigal ang Camp Ranao bilang AFP Chief Of Staff.

Facebook Comments