AFP chief mag-iikot sa Mindanao bilang paghahanda sa plebesito sa BOL

Nakatakdang mag-ikot simula ngayong araw hanggang Sabado sa Mindanao si AFP chief of staff General Benjamin Madrigal Jr.

Alas 6:30 ngayong umaga sasakay si General Madrigal sa C130 plane kasama ang ilang miyembro ng media kabilang ang RMN Manila.

Unang lalapagan ng C130 plane ang Zamboanga City kung saan mula doon ay sasakay ng C295 patungo sa lalawigan ng Sulu.


Sa mga sunod na araw ay tutungo ang chief of staff sa Cotabato, Maguindanao, Marawi at Cagayan de Oro City.

Layon ng pag-iikot ni General Madrigal ay upang matiyak ang gaganaping plebesito sa January 21 at February 6, 2019.

Samantala si PNP Chief Oscar Albayalde naman ay nakatakdang tumungo sa Cotabato bukas January 18, 2019.

Pangungunahan nito ang send-off ceremony ng isang batalyon ng Special Action Force (SAF) na tutulong sa pagbibigay ng seguridad para sa gagawing plebesito.

Facebook Comments