AFP Chief, nag-negatibo na sa COVID-19

Nag-negatibo na sa COVID-19 si AFP Chief-of-Staff General Felimon Santos Jr.

Ngayong araw lumabas ang resulta ng test.

Matatandaang March 27 nang mag-positibo sa sakit ang AFP Chief.


Ayon kay AFP Spokesperson Brigadier General Edgard Arevalo, naka-recover na sa sakit ang military top official bagama’t hindi ito nakaranas ng anumang sintomas ng virus.

Nagpasalamat naman ang opisyal sa lahat ng nagdasal at sumuporta kay Santos gayundin ang mga sundalo, airman, sailor at marine na walang pagod na pino-protektahan ang mga Pilipino at komunidad laban sa COVID-19.

Facebook Comments