AFP Chief, nakipagpulong sa mga Muslim leaders sa NCR

Nagtungo sa Camp Aguinaldo ang mga Muslim leaders sa Metro Manila para sa isang pagpupulong.

Ito ay matapos ang panawagan ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Gilbert Gapay sa mga Muslim leaders na makipagdialogo sa AFP.

Sa pagpupulong sa Camp Aguinaldo, nagpasalamat si Gen. Gapay sa pakikiisa ng Muslim community sa adhikain ng AFP na mapigilan ang mga lawless elements na naghahasik ng terorismo.


Kasabay nito, siniguro ni Gen. Gapay na determinado ang AFP na protektahan ang mga madrasah o mga Muslim schools mula sa exploitation ng mga terrorista.

Matatandaang unang nag-reach out si Gen. Gapay sa mga Muslim leaders matapos niyang linawin ang kanyang pahayag na hindi niya ibig sabihin na nagtuturo ng terorismo ang mga madrasah matapos ang kanyang direktibang pabantayan ang mga ito.

Facebook Comments