AFP Chief of Staff Gen. Brawner, pinapurihan ang mga sundalo at mga bagong bayani ngayong National Heroes’ Day

Sa paggunita ng Araw ng mga Bayani, muling ipinapaalala ang sakripisyo at kabayanihan ng ating mga ninuno at ng mga modernong bayani tulad ng mga sundalong handang mag-alay ng buhay para sa bayan.

Ibinida ni Armed Forces of the Philippines o AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr., ang katapangan ng tropa na kamakailan lamang ay nakipagbakbakan sa Baco, Oriental Mindoro, para tiyakin ang kapayapaan at kaligtasan ng mga residente.

Gayundin, iginiit ni Brawner ang patuloy na pagtatanggol ng bansa sa West Philippine Sea sa kabila ng pam-bubully at harassment mula sa China.

Ayon kay Brawner, tungkulin ng bawat sundalo at lingkod-bayan na magsilbi nang may katapatan, malasakit, at dalisay na hangarin, hindi para sa pansariling kapakinabangan kundi para sa taumbayan.

Kasunod nito, tiniyak ng AFP Chief na mananatiling matatag ang Sandatahang Lakas sa pagharap sa mga hamon, sa ngalan ng pagkakaisa at paglilingkod sa bayan.

Facebook Comments