AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner, bibisita sa Western Command sa Palawan ngayong araw

Nakatakdang bumisita si Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Gen. Romeo Brawner Jr. sa headquarters ng Western Command sa Puerto Princesa, Palawan ngayong araw.

Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Lt. Col. Enrico Ileto, unang beses na pupunta ni Gen. Brawner sa WesComm ngayong sya na ang Chief of Staff ng sandatahang lakas.

Ani Ileto, nais alamin ni Gen. Brawner kung ano ang lagay ng mga tropa sa WesComm makaraan ang pambobomba ng water cannon ng Chinese Coast Guard sa mga barko ng Pilipinas sa West Philippine Sea.


Gusto din malaman ng heneral kung ano ang mga pangangailangan ng ating mga tropa sa Palawan.

Kasunod nito, sinabi ni Ileto na nananatiling mataas ang morale ng ating tropa kung saan tuloy ang kanilang misyon na itaguyod ang soberanya ng bansa.

Facebook Comments