Manila, Philippines – Tiniyak ni AFP Chief of Staff General Eduardo Año sa publiko na hindi na muling mauulit ang nangyaring palpak na military airstrikes sa Marawi City kung saan 11 sundalo ang napatay at 7 ang sugatan.
Ayon kay General Año, sisiguruhin niya ngayon na lahat ng measures and actions ay maayos na maipapatupad upang sa lalong madaling panahon ay matapos na ang krisis sa Marawi City nang hindi na madagdagan pa ang mga inosenteng sibilyang namamatay at nasusugatan at mga ari ariang nasisira
Itinalaga naman ni General Eduardo Año si MGen. Rafael Valencia, ang AFP Inspector General, na mamuno sa binuong board of inquiry na syang tututok sa insidente ng pumalpak na airstrike sa Marawi City kung saan mismong tropa ng pamahalaan ang tinamaan.
Nagpahayag naman ng kalungkutan at panghihinayang si ge General Año sa nangyari sa kanyang mga tauhan at pinuri ang ginawang kabayanihan ng mga ito.
DZXL558