Tuloy-tuloy ang trabaho ni AFP Chief of Staff General Felimon Santos Jr, kahit na nagpositibo ito sa Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon kay AFP Public Affairs Office Chief Captain Jake Zata, nanatiling nasa good health condtion si General Santos kaya work from home ito ngayon habang inoobserbahan ng mga military physicians mula sa V Luna Medical Center.
Pansamantala naman si AFP Vice Chief of Staff Vice Admiral Gaudencio Collado, Jr. na muna ang titingin sa daily operational activities ng buong AFP.
Habang si The Deputy Chief of Staff Lieutenant General Erickson Gloria ang dadalo sa mga pagpupulong patungkol sa administrative matters.
Bago magpositibo sa COVID-19, Si General Santos ay nanguna sa donning ceremony ng isang Senior AFP Officer na una nang nagpositibo sa COVID-19.
Kaya naman lahat ng may naging close contact sa Chief of Staff simula noong March 13 hanggang March 27 ay sumailalim na sa medical protocol na self-quarantine.