Hindi tatanggi si AFP Chief of Staff General Gilbert Gapay sakaling bigyan ng bagong posisyon ng Pangulong Rodrigo Duterte matapos ang kanyang pagreretiro sa February 4, 2021.
Ayon sa Heneral, gusto niya pa ring makatulong sa bansa kahit retired na siya sa pagiging sundalo.
Tatanggapin niya raw ang alok kahit pa hindi ito nakapaloob sa kaniyang expertise partikular sa security aspect.
Pero hihingi siya ng tatlong buwang pahinga pagkatapos ng kanyang retirement bago muling tumanggap ng panibagong posisyon sa gobyerno.
Ang pahayag ay ginawa ng AFP Chief of Staff nang tanungin sa isang virtual forum na organized ng Foreign Correspondents Association of the Philippines o FOCAP ang kaniyang stand sa pag-aappoint sa mga retired general ng Pangulo kahit pa hindi expertise ng isang retired general ang ino-offer na posisyon.