AFP Chief of Staff Jose Faustino, promoted na sa 4-star general

Naigawad na ang ikaapat na estrelya kay Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of Staff Jose Faustino Jr.

Mismong ang Commander in Chief ng AFP na si Pangulong Rodrigo Duterte ang nanguna sa ‘donning of ranks’ kay Faustino kasabay na rin ng pagbisita nito sa Albay kahapon.

Bukod kay Faustino, iginawad na rin ng punong ehekutibo ang ikatlong estrelya kay Southern Luzon Command Chief Lt/Gen. Bartolome Bacarro na kabilang sa 5 opisyal ng AFP na na-promote.


Kaugnay nito, bibigyang parangal naman si Faustino bilang ika-56 na Chief of Staff ng AFP.

Pinalitan ni Faustino na nagmula sa Philippine Military Academy (PMA) “Maringal” Class of 1988 si retired Gen. Cirilito Sobejana na mula naman sa PMA Hinirang class of 1987 na nagretiro na noong Hulyo.

Si Faustino ay nakatakda namang magretiro sa November 12, 2021.

Facebook Comments