AFP Chief of Staff Lt. Gen. Faustino, nagpositibo sa antigen test ng COVID-19

Nagpositibo sa antigen test ng COVID-19 ang Bagong ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief of staff Lt. Gen. Jose Faustino.

Ito ang inanunsyo ni AFP Spokesperson Col. Ramon Zagala.

Nagpa-antigen test si Faustino at iba pang tauhan ng AFP para sa meet and greet sa mga miyembro ng Defense Press Corps ngayong araw.


Sinabi ni Zagala na nasa maayos naman na kalagayan si Faustino habang naka-isolate ito.

Nagsasagawa na rin ng contact tracing sa kaniyang mga nakasalamuha nitong mga nakaraan.

Lalabas naman ang resulta ng confirmatory RT-PCR test ni Faustino mamayang alas-3:00 ng hapon.

Facebook Comments