Nilinaw ngayon ni Armed Forces of the Philippines Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay ang kaniyang pahayag kaugnay sa proposal na isama ang social media sa mga dapat iregulate sa ilalim ng Anti-Terrorism Law.
Ayon kay Gapay, ang nais niya ay ang pagsasa-ayos sa pinapayagang content na i-upload sa social media platforms at hindi ang users.
Giit nito, hindi niya hinahadlangan ang freedom of expression ng mga users, kundi ang gusto lang niyang ma-regulate ng social media platforms ang mga content na maaaring i- upload.
Una nang nanindigan si Gapay na nagiging daan ang social media para makapag-recruit at makapagplano ng pag-atake ang mga terorista.
Facebook Comments