Hindi sinasang ayunan ni AFP Chief of Staff Lt Gen Noel Clement ang pahayag ni ako Bicol Party-List Representative Alfredo Garbin na isuspendi muna ng halos isang taon ang pagre-recruit ng Philippine Military Academy o PMA upang tuluyang mabago ang mga maling sistema sa akademya.
Ginawa ni Garbin ang pahayag kasunod ng pagkamatay sa hazing ni First Class Cadet Darwin Dormitorion at 27 pang kaso ng maltreatment sa PMA.
Ayon kay Clement, kapag inihinto ang recruitment sa PMA maapektuhan nito ang buong Armed Forces of the Philippines.
Dahil nagmumula aniya sa pma ang halos lahat ng junior officers ng AFP na silang hinuhubog para maging mga susunod na lider ng AFP.
Maapektuhan din aniya ang mga papalit sa magre-retirong senior officers at maging ang mga papalit sa mga namamatay na mga officers.
Giit ni Clement masyadong malala ang hakbang na planong suspensyon ng recruitment sa PMA, kinakailangan aniyang mapagisipang mabuti ang mga ganitong desisyon.
Samantala inutos na rin ni AFP chief kay PMA Supt Rear Admiral Ferdinand Cusi na humingi ng komento sa mga PMA graduates para makatulong sa pag-resolba ng problema kaugnay sa maling sistema sa PMA.