AFP Chief of Staff, may bagong designation bilang Chairman of the Joint Chiefs pero walang dagdag trabaho ayon sa AFP

Walang nagbago sa trabaho ni Armed Forces of the Philippines (AFP) Chief General Felimon Santos Jr. matapos na magkaroon ito ng bagong designasyon bilang Chairman of the Joint Chiefs.

Nilinaw ito ni AFP Spokesperson Major Gen. Edgard Arevalo kaugnay ng lumabas na Department Order 174 ng Department of National Defense (DND) na may petsang June 19, 2020.

Paliwanag ni Arevalo, sa pamamagitan ng Department Order 174, binigyan ng mga bagong titulo ang AFP Chief, na tatawaging Chairman of the Joint Chiefs; ang Vice Chief of Staff, na tatawaging Vice Chairman of the Joint Chiefs; ang Deputy Chief of staff na tatawaging Chief of the Joint Staff; at mga major service commander, na tatawaging “Chief” ng Army, Navy at Airforce sa halip na commanding general.


Pero nilinaw ni Arevalo, walang nagbago sa mga posisyon ng mga naturang opisyal kundi ang kanilang titulo lamang.

Paliwanag ni Arevalo, ginawa ito ng AFP para maging pareho sa tawag ng mga ibang bansa sa rehiyon sa kanilang mga military leader nang sa ganun maiwasan ang kalituhan.

Hindi pa aniya fully implemented ang order, ngunit sinimulan na rin ng AFP ang pag-disseminate ng mga bagong titulo sa kanilang mga unit para hindi rin malito ang mga ito.

Facebook Comments