Bahagyang nag-lie low ang China sa pambu-bully sa Pilipinas.
Ito ang iniulat ng Armed Forces of the Philippines (AFP) matapos ang naging matagumpay na resupply mission ng tropa ng pamahalaan sa BRP Sierra Madre sa Ayungin Shoal.
Ayon kay AFP Spokesperson Col. Medel Aguilar, bagama’t hinarang pa rin ng China ang resupply boat ng Pilipinas ay hindi na sila gumamit ng water cannon.
Ani Aguilar, malaking epekto rito ang nagkakaisang suporta ng iba’t ibang bansa sa Pilipinas na tahasang tumututol sa pambu-bully ng China.
Ilan nga sa mga bansang ito ay ang Estados Unidos, Japan at Australia.
Una nang isiniwalat ni AFP Chief of Staff Gen. Romeo Brawner ang pangha-harass na ginagawa ng China sa West Philippine Sea (WPS) sa dinaluhan nitong 2023 Indo Pacific Chief of Defense Conference na nilahukan ng mga defense chief mula sa iba’t ibang mga bansa kabilang na ang China.