AFP Commanders at officers na nasa likod ng operasyon para mapatay ang 7 Abu Sayyaf Group sa Sulare Island sa Parang, Sulu, pinarangalan ng Pangulo

Photo Courtesy: AFP | Facebook

Kinilala at binigyan ng reward ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Commanders at Officers ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na nagsagawa ng operasyon para mapatay ang pitong Abu Sayyaf sa Sulare Island sa Parang, Sulu kamakailan.

Ayon kay Joint Task Force Sulu Spokesperson Lt. Jerrica Angela Manongdo, partikular na grupo ng sa JTF Sulu ang binigyan ng parangal ng Pangulo ang mga opisyal at miyembro ng Operation Perfect Storm.

Ginawa ang seremonya sa Malacañang sa pamamagitan ng teleconference dahil na rin sa mga restrictions sa mass gathering lalo’t may COVID-19 pandemic.


Sinaluduhan ni Pangulong Duterte ang mga sundalo naging dahilan ng matagumpay na operasyon.

Ilan sa mga AFP Commanders ay sina Western Mindanao Command Commander Lt. Gen. Corleto Vinluan Jr. at JTF Sulu Commander MGen. William Gonzales.

Matatandaang kabilang sa pitong nasawing Abu Sayyaf ay Madsmar Sawadjaan, ang kapatid ni Mundi Sawadjaan na kilalang expert sa paggawa ng bomba; Mannul Sawadjaan, alyas “Abu Amara”, ang pumalit kay nasawing ASG Senior Leader Hajan Sawadjaan bilang emir.

Narekober naman ang bangkay nang isa sa pito nitong November 7, na kinilalang si Dave Sawadjaan sa karagatang sakop ng Tapul, Sulu, 20 kilometro ang layo mula sa pinangyarihan ng engkwentro habang patuloy pang hinahanap ng military ang bangkay ng anim.

Napatay sila ng mga sundalo habang sakay ng speed boat sa Sulare Island sa Parang, Sulu.

Facebook Comments