AFP, dinepensahan ang ‘no sail zone’ policy sa Zambales dahil sa Balikatan Exercise

Para sa ikabubuti ng mga mangingisda at ng buong bansa ang pansamantalang pagpapatupad ng “no-sail zone” policy sa coastal towns ng Zambales tulad ng San Antonio, San Narciso, San Felipe, Cabangan, at Botolan kasabay ng pag-arangkada ng 38th PH-US Balikatan Exercise 2023.

Ayon kay Col. Michael Logico, Spokesperson ng Balikatan Exercises, naabisuhan na nila bago pa man magsimula ang drill ang mga mangingisda maging ang mga apektadong local government unit (LGU).

Ani Logico, ang pansamantalang abala sa mga mangingisda ay magdudulot naman kalaunan ng kaginhawaan sa mga ito maging sa buong bansa.


Paliwanag ni Logico, sa pamamagitan kasi ng Balikatan Exercise na idaraos malapit sa Zambales ma-po-protektahan ang ating territorial waters at ang traditional fishing grounds.

Matatandaang kinondena ng Pambansang Lakas ng Kilusang Mamamalakaya ng Pilipinas (PAMALAKAYA) ang nasabing “no-sail zone” policy habang idinaraos ang Balikatan Exercise dahil mawawalan ng hanapbuhay ang mga mangingisda.

Facebook Comments