Marami nang kaparehong krimen na ginawa ang New People’s Army (NPA) sa mga nakalipas na panahon pero walang tinupad sa kanilang mga ipinangako sa mga naging biktima nang kanilang karahasan.
Ito ang sinabi ni Armed of Forces of the Philippines (AFP) Spokesperson Major General Edgard Arevalo matapos na aminin ng NPA na tauhan nila ang nagpasabog ng landmine sa Masbate at humihingi sila ng paunmanhin.
Tanong ni Arevalo, ano ang aasahan ng pamilya ng mga nasawi sa krimeng ginawa ng NPA kung sa mga nakalipas na krimen na kanilang ginawa ay wala silang aksyon.
Para kay Arevalo kung may gawin man sa pagkakataong ito ang NPA para panagutin ang kanilang mga kasamahan na responsable sa krimen, paano naman makakamit ang hustisya ng mga una nang naging biktima nang kanilang karahasan.
Nanindigan ang opisyal na ang paggamit ng anti-personnel mines (APMs) ay isang paglabag sa International Humanitarian Law.
Sa ngayon, ayon kay Arevalo ay patuloy pa rin silang naghahangad ng hustisya para sa 224 casualties, kabilang 29 sibilyan at lima rito ang nasawi dahil sa mga pagatake ng NPA.